Basta usaping “Tatak Pinoy” rin lang, ako’y talaga namang maaasahan. Una palaging sumasagi sa aking isipan ang mga bagay na gawang-kamay (handcrafted) sa Pilipinas, “Made in the Philippines” ika nga. Marahil ay alam na ng mga nakakakilala sa akin kung saan patungo ang panulat kong ito. *kindat*
Ang negosyo ng aming pamilya ay ang pageexport ng mga pangdekorasyon sa tahanan na pawang gawang kamay at gawa sa metal. Regular na bumabayad ng mga dekalidad na designers ang aking ina upang kami’y laging may mga bagong disenyong maipakita sa mga mamimiling taga ibang bansa. Karamihan ng mga bumibili sa amin ay mga bansa sa Europa (ang mga taga-America kasi, mas gusto ang mura. Alam nyo na kung saan nakakabili ng mura…doon sa Tsina!).
Isa sa aking mga trabaho ay ang magdisenyo. At ang mga ito ang aking pinaka paborito…

Ito ang aking “Balcony Collection”. Pebrero ng 2003 ng aming unang ipakita ang mga ito sa isang trade fair sa Alemanya. Marami kaming koleksyon na ipinakita ngunit karamihan ay disenyo ng isa pang designer. Ang mga ito lamang ang akin. Sampung piraso talaga ang mga ito ngunit 9 lang ang nadala ko dito sa America. Laking tuwa ko noon dahil itong koleksyong ito ang pinaka napansin at isang malaking retail store dito sa America ang regular na bumili nito mula 2003 hanggang 2007.
Ewan ko kung ano ang pumasok sa aking isipan. Wala naman kasi akong sinusunod na paraan para makapaglikha ng mga bagong disenyo. Parang may bumbilyang bigla na lang umilaw sa aking isipan. Hahaha. Naisipan ko ang mga eksenang karaniwang nangyayari sa mga balkonahe…sa mga condominium halimbawa. Tara, tignan natin ng malapitan…

May naguusap na mga nagmamahalan.

May mga nakikipaglandianusap sa nakatira sa katabing balkonahe.

May nagpipinta.

May nakikipagtanawan gamit ang largabista!

Sino ito? Magnanakaw na tumatakas o si mister na pauwi pa lang? Lagot! Baka makita ng mga may largabistang kapitbahay! Ay, hindi pala, abala sila sa pakikipagtanawan. Hahaha!

At may mga magkaibigang nagpapahangin lamang.

Nagpakuha rin ng litrato ang aking anak nang makitang kinukuhan ko ng litrato ang mga palamuti sa dingding. Isinama ko na rin dito. Tatak Pinoy rin naman si Abby kahit pilipit magsalita ng Tagalog. Made in the Philippines yata ‘yan!
Sana’y naibigan niyo ang aking lahok.
Mga pagkain naman ang isa ko pang lahok para sa LP.
ps. Salamat sa Litratong Pinoy! Kung di pa sa temang ito ay hindi ko maikakabit ang mga plakeng ito sa dingding. Hahaha. Hapon ng Miyerkules ko lang ikinabit ang mga ito. *belat*

July 3, 2008 at 1:51 am |
[...] Mommy LP #14: Tatak PinoyOn Summer Break At LastLP #13: Pag-aaralAbby’s Stage DebutThe Wonderful Week That [...]
July 3, 2008 at 2:39 am |
ang ganda naman niyan… interesting
http://www.pinaysakorea.com
July 3, 2008 at 3:18 am |
wow! ang ganda at ang galing mo.
July 3, 2008 at 3:33 am |
ang gaganda, weng! at syempre, ang pinakamaganda eh si abby
July 3, 2008 at 4:13 am |
Ang gaganda naman ng mga gawa mo Weng
Nakita ko din ang ipinadala mo kay Feng at naalala ko ang picture niya na nandun ang mommy mo sa likod niya
July 3, 2008 at 4:34 am |
ang gaganda, weng. pwde mo ng business yan ha.
July 3, 2008 at 8:37 am |
ang ganda! nakakatuwa talaga at may storya pa:)
magandang hwebes!
July 3, 2008 at 10:37 am |
Ang ganda naman, cousin! Sobrang galing mo talaga at napakamalikhain – idol!!!
Kaya naman sobrang na-in-love sa yo si pinsan D e!
Huwag naman sanang pagpapatiwakal ang gimik noong isang gustong tumalon sa balkonahe – bad yon! Hehehe…
July 3, 2008 at 10:38 am |
ang galing mo kaibigan! [biglang friends na tayo!..lalo:)] penge! hehe…isa kang henyo weng!,*doing i’m not worthy moves*! totoo i layk dem! san ako makakakuha nito:(iyan ang pinoy!
July 3, 2008 at 11:08 am |
Ang gandang disenyo at tunay na kakaibang likhang pinoy! At si ineng, kacute, kahit nga laking ibang bansa, ngiting ngiting pinoy pa din sa harap ng kamera!!! Klik!
Happy LP!
July 3, 2008 at 11:29 am |
pareho pala natin ni-feature ang ating made in pinas na mga senyorita, haha!
ang ganda ng collection weng! hayaan mo, kapag nagka-bahay kami bibilhin ko lahat yang sampu at ide-decorate ko sa bahay namin.
galing ng mga pinoy, napakamalikhain (except ako, haha!). *muah*
July 3, 2008 at 12:14 pm |
ang ganda, at ang galing
Pinoy talent na maipagmamalaki!
July 3, 2008 at 2:09 pm |
weng alam ko available din sa z-gallerie yung gawa mo pero pwede bang sa yo ako bumili? gusto ko lahat yan. yan na lang padala mo sa kin please?!
July 3, 2008 at 2:19 pm |
Napamalikhain ang lahok mo! Napakaganda at kakaiba. Ang galing!
Salamat sa pagdalaw, MM.
July 3, 2008 at 2:49 pm |
teka teka…ikaw ang gumawa niyan? oo si Abby alam ko ikaw…pero yung mga taong may largabista, yung mga taong nakikiapaglandian at ang asawang tumatakas?
bili ako ng sampu! ang galing e
July 3, 2008 at 7:38 pm |
ang galing mo naman….ang ganda naman talaga. sana’y lumago pa ang inyong negosyo at ng makilala iyong pangalan sa pagdedesenyo.
talagang tatak PINOY!
July 3, 2008 at 8:09 pm |
Oy, ang ganda ng mga disenyo mo sa dinding. Gustong-gusto ko sila:) Pati na rin iyong nag-model..kyut din!
July 3, 2008 at 9:07 pm |
miniature art? ganda ng craftmanship, very creative at unique!
totoo cute ang model hehehe…
July 3, 2008 at 11:30 pm |
ang galing naman!
July 3, 2008 at 11:51 pm |
ang galing nito!!!!
July 3, 2008 at 11:56 pm |
hehe, ayos ah… galing ng balcony collection mo…
July 4, 2008 at 2:31 am |
wow ang galing naman! at kayo pa ang may disenyo ^^
sana may mabili ako dyan, nga lang presyong LP na lang po hahaha XD
hilig ko po kasing nakakakita ng handcrafted materials na gawang pinoy at balak ko pag nagka-bahay e filipino-inspired ang theme.
salamat po sa pagdaan at mabuhay po kayo! maligayang paglilitrato!
July 4, 2008 at 4:48 am |
mas napanganga ako sa likha mo! wow! i love the installation and it seems your can grow organically noh? you can do as many scens as you want. then just place it side by side as if building a building and we are spectators. bravo!!! saludo ako at samba! pramis, walang biro, mare. congrats! iba talaga ang pinoy!
July 4, 2008 at 4:52 am |
anuveh, na dyslexic ang lolo mo: take two –
mas napanganga ako sa likha mo! wow! i love the installation and it seems your WORK can grow organically noh? you can do as many SCENES as you want. then just place it side by side as if building a building and we are spectators. bravo!!! saludo ako at samba! pramis, walang biro, mare. congrats! iba talaga ang pinoy!
BETTERER! hahahahaha!
July 4, 2008 at 4:52 am |
ateeeeeeee! ang ganda naman niyan! hehehe. okay sa idea a. dapat yung isang balkonahe may ginagawang kababalaghan para merong nasisilip yung naka-binoculars. hehehe!
*hugs*
July 4, 2008 at 7:33 am |
uy, kahanga-hanga! hindi lang ito pang-export…pang-museo pa ito! dapat nasa museum of modern art sa new york!
saang tindahan ba ito nabibili? sa department store ba o mga tipong crate and barrel?
ang galing mo! you make us pinoys proud! isa kang malikhaing pinoy!
July 4, 2008 at 10:00 am |
ang gaganda naman! very creative ^_^
July 4, 2008 at 9:58 pm |
Ang galing at ang ganda nya .. ng anak mo at ng iyong balcony collection
happy weekend!
July 5, 2008 at 7:47 am |
wow mommy M.. artist ka pala talaga. nagulat ako di ko akalain na ikaw gumawa nyan (tama ba?). No wonder your house is like a living museum sa ganda… napabilib mo talaga ako.
Anyhow natangap mo ba email ko? i sent you my address and saw the cards on keith’s blog ang ganda. kakatuwa.
happy weekend sis
July 5, 2008 at 8:48 am |
very nice weng. pwede bang umorder? meron akong bakanteng wall eh..ang galing mo nman mag disensyo! napakahusay ng iyong nilikha! bilib naman ako ng sobra!
sympre, star ang prinsesa mo..bakit nga maganda si abby?
July 5, 2008 at 2:06 pm |
Weng, siyempre in love nanaman ako sa design mo. I was actually thinking of posting our candleholder with tree and people but I was sure you would post one of your other designs. Next time yun ang aking feature… naks!
I love this balcony design… sana naman kung hindi maubos ang mga stock mo eh mapadalhan mo din ako niyan…hehehe! Maybe sa 4th anniversary mo….
July 6, 2008 at 6:06 am |
weng, you’re work is ABSOLUTELY BRILLIANT! i swear, i love it!!! it’s soooo cute! didn’t know you are this creative pala!! ang galing galing mo!
July 6, 2008 at 6:10 am |
ang galing! you make UST CAFA proud
iba talaga ang mga malikhaing kamay at isip mo. sana mamana din ni abby
July 7, 2008 at 11:56 pm |
ang galing naman nito! go USTE! wala ko nyan eh so papalakpak na lang ako ng malakas saka mag wave ng dilaw na lobo. go USTE!
happy lp!
July 8, 2008 at 9:18 am |
m back here..hehheh..ok now alam ko na formula..
seriously, pwede bang umorder ng iyong art? gusto talaga namin sya ni charlie eh..nasa pinas ang mil ko so pwede ko sa kanya padala papunta dito? at tatandaan ko na ang formula ni beautiful abby, forever…:)
July 8, 2008 at 12:51 pm |
it’s absolutely beautiful, weng. bagay na bagay yan sa aking magiging kwarto, alam mo na lipat bahay kami ulit. hehehe