Kuha ang mga larawang ito sa paaralan ni Abby noong Agosto ng nakaraang taon. Kaarawan niya nang kunan ang mga larawang ito at ilang araw pa lang nagsisimula ang school year 2008-2009.
Sa isang montessori nag-aaral si Abby. Gusto ko ang paraan ng pagtuturo sa montessori. Sinusubok nang mabuti ang kakayahan ng mga bata sapamamagitan nang paggamit ng mga materyales tulad ng nasa larawan at ang makikita sa shelves sa loob ng silid.

Pumipili ang mga bata kung ano ang gusto nilang i-explore bawat araw. Self-correcting ang mga gamit na ito. Kaya kahit mag-isa, matutuklasan ng bata kung saan siya nagkamali kung kaya’t hindi mabuo ang kailangang buoin.

Sa montessori, tatlo hanggang anim ang gulang ng mga bata at sila ang magkakaklase mula pre-school, pre-kindergarten hanggang kinder. Natuto ang mga mas batang mag-aaral na humingi ng tulong sa mas nakakatanda sa kanila at ang mga nakakatandang bata naman ay natututong magbahagi ng kaalaman o tulong sa mga nakakabata sa kanila. Tulad ng sa ikalawang larawan, maaaninag ang isa pang bata na tila tinutulungan si Abby sa pagtayo ng toreng kulay pula at bughaw.
Isa pang lahok para sa LP DITO.

June 26, 2008 at 10:24 am |
Magandang ehersisyo yan para sa mga bata ha! Masmainam naman ang mga ganitong istilo ng pag-aaral kesa puro teorya lang diba, lalona sa mga chikiting. Maligayang Huwebes!
June 26, 2008 at 10:57 am |
mainam na activity iyan para sa mga bata! isa rin ito sa mga paboritong gawin ng bunso ko…
June 26, 2008 at 11:37 am |
Ganda pala ng pamamaraan ng montessori – sayang walang ganito sa kaharian!
June 26, 2008 at 1:12 pm |
nabasa ko ang methodology ng montessori at maganda ang kanilang pamamaraan ng pagtuturo. Marami ang montessori pero ang orihinal ata ay yung Maria Montessori o OB Montessori na sinusulat ni Preciosa Soliven sa kanyang kolum sa Philstar
gandang ‘webes muli!
http://teystirol.com/2008/06/26/lp13-pag-aaral/
June 26, 2008 at 3:12 pm |
uy ang ikli pa ng buhok ni abby dito (buhok ang napansin ano? hehe.) kakabasa ko lang recently nung entry mo tungkol sa developments ni abby ngayong nalalapit na ang pagtapos ng school year, ang layo na ng narating ni abby ano? sana pag si ninna naman ang pumasok ay marami rin siyang matutunan.
June 26, 2008 at 5:27 pm |
wow, minsan naiisip ko sana pwede pa akong mag-enroll sa mga ganyan, ang saya-saya. hahaha.
June 26, 2008 at 6:20 pm |
may traumatic memory ako ng childhood tungkol sa pag-aaral. nung 5 years old ako, natatandaan ko gusto ko sanang manuod ng mazinger z, ayaw akong papanuorin hanggat hindi ko nakikita ang kaibahan ng dalawang larawan (Find the Difference Exercise). Sabi ng aking butihing ina, “hindi ka aalis hanggat hindi mo nakikita ang lahat ng pagkakaiba”. Isa na lang! Isa na lang talaga! Natapos ang mazinger z, hindi ko sya talaga nakita. sabi ng nanay ko sabay turo: Ayan o! Ruffles!
(curls under table and sucks on thumb) hahahaha! nag-regress???
June 26, 2008 at 9:56 pm |
hi Weng. sang-ayon ako sa prinsipyo ng Montessori approach. tunay ngang ito’y isang epektibong pamamaraan ng pagtuturo sa mga preschoolers. mas magandang isipin na natututo sila sa pamamagitan ng laro, at hindi sila na prepressure or nai-stress gaya ng turo sa mga traditional schools.
June 27, 2008 at 12:53 am |
Enjoy ang mga bata sa gawaing yan, kaya tuloy ganyan din ang mga pinipili kong laruan sa aking mga anak, sa kindergarten (age 1- 6) nila din ay hinahayaan silang tumuklas ng kung ano ano, sana ganyan din ako nung bata pero enjoy naman ako makipaglaro sa mga anak ko kahit ngayon lol. happy lp!
June 27, 2008 at 1:07 am |
ang ganda naman weng. well documented palagi ang milestones ni abby. sana ay ganyan rin ako for amelie.
lam mo, i’m learning a lot about parenting from you. i’m glad to have known you and your blog
June 27, 2008 at 12:33 pm |
ang saya naman…sana oong bata ako me ganyan na ri. dati kasi parang puro aral lang sa school eh, hehehe
June 27, 2008 at 9:26 pm |
Congratulations to the new preschooler
June 28, 2008 at 12:09 pm |
ngayon ko lang nalaman na ganon pala pag montessori! ganon ba talaga ang concept?
good training ground for abby! wish ko lang meron din dito niyan. yun e pag may baby na kame
June 29, 2008 at 4:42 am |
parang ang saya naman ng ginagawa nya hehe.
maligayang paglilitrato!
June 30, 2008 at 2:30 am |
Salamat na lang at ang mommy at daddy ni Abby ay talagang pinag-aralan din kung saan sya ipapasok! Sa inyong mag-asawa ako saludo
at syempre sa bibang si Abby din!
July 1, 2008 at 3:31 am |
Ang galing no… at least iba yung systema ng pag turo kaysa sa nakasanayan natin. I just hope she can adjust well when she goes back to the old school system in HS and College.