Sabi ng mga titik ng isang kanta:
Ibon man may layang lumipad; Kulungin mo at umiiyak
Kabaligtaran marahil ng makukulay nilang balahibo ang tunay na nararamdaman ng mga ibong ito. Sila nga kaya’y umiiyak gawa ng kawalan nila ng kalayaan?



Tayo man minsa’y nakakaramdam na para tayong nakapiit. At ang ating piita’y walang iba kundi ang mga suliraning ating hinaharap sa araw-araw o ano pa mang bagay na nagdadala sa atin ng kalungkutan. Ngunit nasa atin mismo ang kakayahang lumaya. Tayo ang may hawak ng susi patungo sa ating sariling kalayaan. Naniniwala akong hindi natin kailangang magpabilanggo sa mga suliranin dahil lalo lamang tayong daranas ng matinding kalungkutan. Kaya magpasya ka. Oo, ikaw, kung saan mo nais manatili. Ako, sa laya ako siyempre! Ikaw na rin, at mas nakakalungkot pa kung walang dadalaw sa ‘yo sa bilangguang pinagkulungan mo sa iyong sarili. Dito na lang tayo sa labas.
May isa pa akong lahok para sa LP DITO. Maligayang Huwebes sa inyo.

June 12, 2008 at 1:59 am |
[...] pang LP DITO. Maligayang araw ng Huwebes sa inyong lahat. Posted in Litratong Pinoy by munchkinmommy RSS 2.0 [...]
June 12, 2008 at 3:14 am |
ang ganda nang mga kuha at akda mo, munchkin mommy.
isang mapagpalayang huwebes sa iyo!
June 12, 2008 at 5:33 am |
Malaya? Sino ang malaya? Ngunit tama ka, nasa ating husga ang pagiging malaya.
“Oo, ikaw, kung saan mo nais manatili. Ako, sa laya ako siyempre! Ikaw na rin, at mas nakakalungkot pa kung walang dadalaw sa ‘yo sa bilangguang pinagkulungan mo sa iyong sarili. Dito na lang tayo sa labas.”
Swak na swak! at ang ganda pa ng kuha ng mga ibon. Pinakawalan mo na ba sila?
June 12, 2008 at 5:44 am |
Àng ganda naman ng konsepto mo mommy Weng. Kahit sino naman, mapa tao o hayop ay ayaw makulong sa rehas
June 12, 2008 at 6:55 am |
Weng, ang ganda ng mga loro mo. Agree ako sa sinabi mo, nasa atin ang susi upang tayo ay maging maligaya at malaya – kahit ano pa man ang sitwasyon ng ating buhay.
Happy LP!
June 12, 2008 at 8:24 am |
ang gaganda naman ng kulay ng mga ibong iyan…maganda rin ang iyong akda…
June 12, 2008 at 9:13 am |
agree! ^-^ ganda din ng iyong mga kuha, kawawa naman ang loro pero maganda ang mga kulay nila no…
happy lp!
June 12, 2008 at 11:19 am |
amen. nasa atin talaga kung hahayaan natin na mabilanggo tayo ng ating sariling mga suliranin. sama ako sa iyo sa labas, hehe.
June 12, 2008 at 11:30 am |
Ang ganda ng “perspective” mo sa mga larawan.
June 12, 2008 at 11:41 am |
wow! nice shots napaka colorful ng mga birdies.
June 12, 2008 at 12:21 pm |
Amen! Nawa’y lahat tayo ay maging malaya na sa mga bagay na nagbibilanggo sa atin!
Happy LP! At maligyang araw ng kalayaan!
http://www.bu-ge.com/2008/06/litratong-pinoy-kalayaan.html
June 12, 2008 at 9:22 pm |
Ganyan talaga ang buhay, may kasamang laging problema. Pasalamat na lamang tayo at hindi tayo gaya ng ibon na nasa hawla.
June 13, 2008 at 12:06 am |
ang ganda ng bird series mo. i like the striking colors!
June 13, 2008 at 12:16 am |
Nakakapanindig balahibo talaga ang kantang Bayan Ko.
June 13, 2008 at 12:35 am |
danganda..:)gusto ko itong lahok mo!lalo na ang kanta!
June 13, 2008 at 9:39 pm |
kawawa talaga ang mga hayop na walang laya….