LP #10: Pag-iisang Dibdib

By munchkinmommy

Mabuhay!  Ang tema ng Litratong Pinoy para sa linggong ito ay “Pagiisang Dibdib”.  Hindi nakakapagtaka dahil ngayon ay buwan na ng Hunyo at marami ang nagpapakasal sa buwan na ito.  Ang mga napili kong ilahok na mga larawan ay kanino pang pag-iisang dibdib kungdi ang sa amin ng aking asawa! :)

Para sa aming pag-iisang dibdib, aming napagkasunduan ng aking asawa na gumawa ng sarili naming pangako (vows).  Ito ang sa kaniya na isinalin ko na sa wikang Pilipino…

Tinatanggap kita, Weng, bilang aking asawa.  At habang magkasama nating tinatahak ang ating buhay bilang mag-asawa, kalakip nito ay isang pangako ng wagas at tapat na pag-ibig na magiging matatag hindi lamang sa pagsubok ng panahon kundi pati sa iba pang mga pagsubok na darating sa ating buhay.  Mula sa araw na ito, hindi mo lamang ako matalik na kaibigan kundi isang habang-buhay na katuwang na naririto sa tabi mo sa lahat ng araw ng iyong buhay.

Ito namang ang sa akin…

 

Don, simula ng aking kapanganakan, lubos na akong binibiyayaan ng Diyos.  At ang araw na ito, na tugon sa kapwa panalangin natin, ay patunay na ang Diyos ay talagang mabait.  Ikaw ay isang biyaya.  Ikaw ay isang handog (gift).  Sa harap ng ating mga kaibigan, kapamilya (pero kapuso ako ha!) at higit sa lahat sa harap ng Diyos, mataimtim kong ipinapangako, hindi lamang ang ibigin ka sapagkat ika’y iniibig ko na, kundi ang mas lalo ka pang ibigin.  Higit sa pagiging asawa, ako’y iyong magiging kaibigan at lagi akong naririto para sa iyo, katulad nang kung paano ka ring laging naririyan para sa akin.  Aalagaan kita at ang ating magiging pamilya sa lubos ng aking makakaya.  Magkasama nating haharapin ang mga pagsubok na darating sa atin.  Ako’y habang buhay na magiging tapat sa iyo at sa ating pangako.  At mula sa kaibutaran ng aking puso, mahal na mahal kita.

Sa pagtatapos, heto kami noong ika-5 ng Enero 2002…20 pounds ago (aruuuy!)…

…at kami’y namuhay ng maligaya…ever after. ;)

May isa pa akong lahok DITO.

43 Responses to “LP #10: Pag-iisang Dibdib”

  1. Mapped Memories » Blog Archive » LP #10: Pag-iisang Dibdib (Weddings) Says:

    [...] isa pa akong lahok DITO.  (I have another LP entry [...]

  2. Sweetagring Says:

    Pareho tayo ng entry kaya lang sakin kinunan ko ng picture yong picture namin na nasa album..lol dahil hindi namn ako ang photographer!!hehe
    How sweet namn ng vows nyo!

  3. caryn Says:

    wow, those pics are lovely. one can really see the love shining through ;-) heehee. weddings are sooo romantic, aren’t they?

  4. Dyes Says:

    hang swit naman ng inyong pangako sa isat isa! haaay!

  5. Reflexes Says:

    lovely bride :)

    happy LP!

  6. Surfergirl Says:

    ang ganda naman ng pangako ninyo sa isa’t isa! you make a very lovely bride as well!

  7. lidie Says:

    ang sweet naman!
    magandang huwebes sa’yo!

  8. Tere Says:

    Magandang mga larawan at mga pangako… naaliw naman ako sa sinabi mong 20 pounds ago :) Magandang Huwebes!

  9. Arvin Says:

    Yun yun e. Ang mahalaga dun, yung happily ever after:D

  10. Pinky Says:

    Felt a lump in my throat while I was reading your vows – ganda din pala kahit isinalin na sa wikang Pilipino ano? :)

    Planing out in a few hours… please pray for a safe trip.

    Take care and God bless!

  11. Jen Says:

    Awww. Ang cute niyo namang dalawa ni hubby.

    Alamo, nagbago isip ko: kamukha niyo pareho si Abby. Yung expressions kasi ni Abby pag pinipicturan parang pareho ni hubby mo. Yung shape ng face naman niya nakuha sa iyo. :)

  12. fortuitous faery Says:

    ang ganda naman ng litrato nio….parang celebrity wedding! :)

  13. marie Says:

    gandang bride at napaka sweet ng mga mensahe niyo sa isa’t isa nakaka panindig balahibo.

  14. alpha Says:

    ang ganda mo naman weng.. natawa naman ako sa 20lbs ago. ako din e, 20+lbs ago yung wedding ko hehehe

  15. G_mirage Says:

    Beautiful smiles!

    buti ka pa at may kopya ng vows ninyo, ako nakalimutan ko na =D

    GAndang huwebes!

  16. mousey Says:

    wow ang sweet!

    at goodlooking couples pa.

  17. Meeya Says:

    ang ganda naman ng wedding vows niyo, naluluha ako nung binabasa ko (yikes, drama queen na naman ako, haha!). ang sarap i-relive nitong mga moments na ganito, yung mga moments na hindi makalimutan at hindi dapat makalimutan :D

    bisita ka sa myparty, andun din kaming mag-asawa, haha!

  18. iris Says:

    naks naman. tama si meeya, nakakatuwang balikan ang mga ganyang moments. although para sakin, i have yet to relive mine. pag nagkaron na! :)

  19. jeanny Says:

    wow ang ganda ng bow nyo…kakainlove pakinggan.
    ang ganda mo mommy weng :)

    Happy LP :)

  20. ces Says:

    ang swe-et! and pretty couple!

  21. abs Says:

    awww, naks naman! agree ako kay jen, hating-hati si abby sa genetic pool nyo ni dondi, walang lamangan! :D

    *kelangan ko nang ilagay ang entry ko!

  22. Junnie Says:

    ang ganda! tunay na sa pagsalin sa wikang atin ay nagiging mas makahulugan…sino ba naman ang makakapagsabi na sa “kaibuturan ng aking puso” – sa pang araw araw na pag uusap…? :P

  23. lino Says:

    ayos… pasensya na at ako’y huli, pero narito na rin po ang aking bahagi para sa linggong ito… happy LP… :)

  24. Girlie Says:

    alam mo ba sa tuwing nakakarinig ako ng sariling gawa na wedding vows sa mga coverages namin, parating tumutulo ang luha ko. nakakahiya man at parang gumagawa ako ng eksena, pero di ko talaga mapigil.

  25. odette Says:

    what a beautiful couple!!!

    your vows are so sweet, naiyak ako. i think i’ll forever cry on weddings, it makes me remember my own. :)

  26. sardonicnell Says:

    hihimatin ako sa wedding vows nyo ni dondi. hayyy, kasarap main-love ;)

  27. christine Says:

    ang ganda ng vow mo, weng! gusto ko ikasal kami ulit ni R! kilig!!

  28. Clicking Away Says:

    Weng, dramatic din pala kayo ni Dondi…artistahin pa ang iyong mga litrato.

    Kami din ni Pinky ay nadagdagan ng timbang.. buti nga yung sa inyo ay 20 punds lang ang aming (combined) ay mga 25 kilos! Hay, buhay.

  29. Thess Says:

    Juice meh, nakakakilig ang vows nyo..lalo na ang sa iyo Weng, awww!! At parang artista ang nanay at tatay ni Abby dito, ke guapo Y guapa naman masyado, seryus!

  30. Gracie Says:

    wow, very heartfelt ang vows. at ang ganda ng picture ng bride & groom. bakas ang kaligayahan!

  31. sheng Says:

    hi munchkinmommy, just a stop i made to read your entry. hope you find mine interesting too, do take a visit. God bless.

  32. joy Says:

    yeaaah!!!! grabe super sweet. alam mo ba weng, literal akong kinilabutan. mas sweet sana no kung tagalog din talaga pagkakasabi.

    btw, you guys look good together ;)

  33. leah Says:

    awww… ang sweet naman!! sana may ganun akong talentong gumawa ng ganung kagaling mga pangako nung kinasal kami.

    salamat sa dalaw mo! :)

  34. Marites Says:

    Ang tamis naman…para kayong nilalanggam niyan, Weng ha. Maganda talaga apg ginawa sa Tagalog. Iba ang dating!

  35. kat Says:

    what a sweet shot! and great vows!
    i had to write mine in the middle of the night before the wedding b/c i forgot! hahah….

  36. iRonnie Says:

    maganda talaga kapag sariling gawa ang vow. mas heartfelt. :D
    happy weekend!

  37. Buge Says:

    Napaka-sweet naman ng inyong wedding vows!

    Happy LP!

    http://www.bu-ge.com/2008/06/litratong-pinoy-pag-iisang-dibdib.html

  38. MommyBa Says:

    haaaaaaaay! ang ganda ng wedding vows ninyo.

    and you’re one lovely couple!

    happy weekend!

  39. Kotsengkuba Says:

    ako ata hindi pa nakaka-attend ng kasalan na may vows vows din na ganyan ;-)

  40. munchkinmommy Says:

    Maraming salamat po sa mga sumilip ng aking lahok para sa LP! :) Nagalak din ako ng husto sa pagdalaw sa inyong mga lahok. At sa lahat ng sabing ako’y magandang bride, i labyu all! Hahahaha! :D

    Hangad ko ang isang maligayang bagong linggo para sa inyong lahat. God bless!

  41. zamejias Says:

    Sweet naman ng vows niyo. And both of you are a perfect match – obvious yong chemistry.

  42. nina Says:

    Romantic talaga pag personalized ang vows although kami hindi na nakagawa ng sarili naming vows.

    Sabay tayo ng anniversary! Nung kinasal kami wala ng ibang date na available for church and reception kaya no choice kami buti na lang wala kaming preferred na date :)

    Salamat sa dalaw. Pasensya na at huli ako medyo busy. Hapi LP.

  43. iska Says:

    ang ganda ng munchkin mommy! lovely bride! :-)

Leave a Reply