LP #9: Ihip ng Hangin

By munchkinmommy

Mabuhay!  Ang tema ng litratong Pinoy para sa araw na ito ay “Ihip ng Hangin”.  Gustuhin ko mang kumuha ng litrato ng mga sailboats, hanggliders at kung anu-ano pang nakakamanghang bagay na nililipad ng hangin ay di na kakayanin ng aking powers kapangyarihan.  Kaya minabuti ko na lamang na bumaling sa subok ko na noon pa man sa kahit na ano pa mang tema…ang aking anak na si Abby.  Hahaha!  (Stage-nanay talaga, o!) :P

Pinaupo ko lang si Abby sa sofabed, pinahawak ng isang pirasong papel at itinutok ang bintilador sa kaniya.  Huwag kayong mag-alala, siniguro kong hindi basa ng pawis ang likod niya kaya hindi siya sisipunin. :D   At ang mga ito ang kinalabasan…


Ang saya ano?  :D


Hindi naman sa pagbubuhat ng sarling bangko…pero mukhang pangbillboard diba?  Hahaha! :P

Nakailang kuha rin kami ng litrato. Pero itong dalawang ito ang paborito ko. :) May isa pa akong lahok para sa LP DITO.

14 Responses to “LP #9: Ihip ng Hangin”

  1. Mapped Memories » Blog Archive » LP #9: Ihip ng Hangin (Wind / Wind Blow) Says:

    [...] isa pa akong lahok DITO.  (I have another entry HERE.) Posted in Uncategorized by munchkinmommy RSS 2.0 Leave [...]

  2. architect Says:

    magandang pagkakuha………..naway iyong masulyapan ang aking lahok.

  3. Dyes Says:

    hang cute talga ng bebe mo!

    happy hwebes!

  4. julie Says:

    Ayos! ;)

  5. Elmira Says:

    Yes, Abby has the star quality of a model!!!

  6. Meeya Says:

    type na type ko yung pangalawang pic :) totoo, pwede na talagang pam-billboard! :)

  7. dang Says:

    ang husay naman ng model! lalo na yung kumukuha ng pic ng model! hehehehe..good pic!:)

  8. RoseLLe (Reflexes) Says:

    maganda ang iyong modelo…maganda ang kinalabasan ng iyong litrato. magandang araw sa iyo.

  9. Ambo Says:

    ang cute hahahaha. Nice entry po. Happy weekend!

  10. jher Says:

    ang cute naman!

  11. Pinky Says:

    Sanay na sanay na mag-pose si Abby ha! Pwede bang mag-apply na “manager”? Hahaha! ;)

  12. Leap of Faith! Says:

    Starriray nga, Weng. Wind blown effect pa ang buhok! Pwedeng-pwede nga mag pose for a billboard add… hindi siya nahihiya… sabagay, maganda naman siya eh :)

  13. Thess Says:

    Type ko yung 2nd, talaga naman pwedeng pwede na modelo itong cutie na ito!!! saka relaxed sa harap ng camera ha ;)

  14. MommyBa Says:

    agree po ako na pwedeng pangbillboard ang huling litrato!

    magaling ang mga lahok mo!

    happy weekend po!

Leave a Reply