LP #8: Tubig

By munchkinmommy

Mabuhay!  Para sa temang “tubig” humugot ako ng mga larawang naipakita ko na DITO.  Sa katunayan, may isa pa ngang photo meme na pawang mga larawan din ng katubigan ang aking ipinakita…DITO naman iyon.

O siya, wala nang paliguy-ligoy pa.  Hindi na ako magpapakamakata ha.  Iiwan ko na lamang ang bagay na iyan sa iba pang mga kasali sa LP. :D  

Tubig.  Ang anyo at tunog ng malumanay na pag-agos ng tubig ay may kakayahang magpakalma.  Tulad nito.  Ngunti teka…may papalapit…

Naku ang bata…naghugas ng kamay sa fountain!

Hala sige!  Nagpakawili pang talaga!

Tsk tsk tsk!  Nasaan ba ang ina ng batang ito at hinayaan na lang mag-isa.  Malamang nagkuha pa ng litrato imbis na pigilan ang anak! :P

E, lalo namang nasaan na ang ina ng batang ito?  Ininom pa ang tubig! :)

Ang mga larawang ito ay kuha sa San Antonio Botanical Garden noong nakaraang Enero. :)

Isa pang lahok sa LP DITO.

 

22 Responses to “LP #8: Tubig”

  1. Mapped Memories » Blog Archive » LP #8: Tubig (Water) Says:

    [...] isa pa akong lahok para sa LP DITO. Posted in Litratong Pinoy by munchkinmommy RSS 2.0 Leave Your [...]

  2. ettey Says:

    ang gaganda ng mga bata :) masaya silang tingnan habang nagtatampisaw sa tubig.

    maligayang huwebes sayo!

  3. kongkong622 Says:

    ang cute naman ng anak mo..at mukhang enjoy na enjoy nga!

  4. kaje Says:

    hahhaa ang kyut! :) bata+tubig=kulet!!! :)

    happy LP!

  5. jennyL Says:

    uy ganda nito nakakaaliw… parang madaming nag wiwiwi hehehe. happy huwebes
    http://jennys-corner.com/2008/05/lp-8-tubig-water.html

  6. jeanny Says:

    hahaha ang cute nung bata iniinom yung tubig sa fountain.

    happy LP

  7. jher Says:

    Ang kyuuuuuttt!!! Happy Thursday! ;-)

  8. RoseLLe (Reflexes) Says:

    nakakatuwang panoorin ang mga batang masayang naglalaro…sinasadyang magpakabasa :) magandang araw sa iyo.

  9. julie Says:

    Ahahaha! Aliw yung isang bata! Parang me nakita na akong photo mo na ganito, Weng.

    Gandang Huwebes sa iyo dyan.

  10. tin Says:

    naaliw ako sa salaysay mo. hi hi. happy weekend, weng!

  11. odette Says:

    sobrang nakakatuwa nga sila! :)

  12. Arvin Says:

    :D sana may ganyan kami sa bakuran namin, hehehe:D

  13. Thess Says:

    naku sana hindi sumakit ang tyan ng batibot na uminom ng tubig!!

    cute yung little girl he he :D

  14. sardonicnell Says:

    now that’s good way to quench someone’s thirst, hehehe :mrgreen:

  15. fortuitous faery Says:

    ang saya naman magtampisaw dyan! sayang, hindi kami nakapasyal sa hardin na ito sa san antonio. sa riverwalk lang talaga!

  16. lids Says:

    ang ganda! at ang cute ng mga bata!
    magandang araw sa’yo!

  17. nina Says:

    ganda ng litrato mo. napunta na dyan ang hubby ko pero ako hindi p :)

  18. Lizeth Says:

    nakaka-engganyo naman kasing tikman e…este..tingnan pala :D ang ku-kyut ng mga bata!! :)

  19. Pinky Says:

    Ang cute naman talaga ng inaanak ko! :) Nice composition, Weng! :cool:

  20. toni Says:

    Ang gaganda ng iyong mga kuha! At napakasaya talagang pagmasdan ang litrato ng mga bata.

  21. Leap of Faith! Says:

    Ang saya nito, Weng… cute ni Abby and her boyfriend…hehehe!

  22. Meeya Says:

    sorry ngayon lang nakadalaw, kakabalik lang from pasyalan hehe. hopefully makabisita na ng mga matutubig na LP entries. :D

    ang cute ni abby, bakit parang medyo blondie yata ang kanyang hair sa pics? :D

    dapat yata may magsabi sa boylet na hindi drinking fountain yung fountain hehehe.

Leave a Reply