LP #7: Umaapoy

By munchkinmommy

Magandang araw ng Huwebes sa lahat!  Ang tema ng Litratong Pinoy para sa linggong ito ay “Umaapoy”.  Hindi na ako nagtangka pang gumawa ng siga sa likod ng aming bahay at baka magdial ng 911 ang aking mga kapitbahay.  Muli na lamang akong naghalungkat sa aking baul ng mga larawan…

Ano ang tinitingala nila’t napapangiti’t napapapalakpak pa sa galak?

Mga nagaapuyang fireworks pala! 

 Ang lahat ng mga larawang ito ay kuha mula sa Esplanade ng SM Mall of Asia noon pang ika-7 ng Enero, taong 2007.  Nakakamiss ang mga ganitong kasiyahan.

May isa pa po akong lahok na masasayang apoy DITO.  Bisitahin ang iba pang mga kasapi sa Litratong Pinoy DITO.

27 Responses to “LP #7: Umaapoy”

  1. Mapped Memories » Blog Archive » LP #7: Umaapoy (Burning Flame) Says:

    [...] Mommy LP #7: UmaapoyLittle Big BrotherStill About Mother’s DayI Want My Mommy!:)Richly-Blessed April Weekend [...]

  2. Eds Says:

    Wow! Ang ganda! Ako mismo ay hindi pa nakakuha ng perpektong shot ng mga fireworks sis! kaya 2 thumbs up para sa iyo!

    Magandang Huwebes!

    Sana ay mabisita mo ako:

    http://edsnanquil.com/?p=701

  3. carol bustos-santiago Says:

    talagang nakakaaliw manood ng fireworks, lalo na kung may mga kasamang chikiting :)

  4. Cookie Says:

    ay, andun din kami nuon!! galing ng pagkakuha mo, mukhang spiders ang effect :)

    see u next LP :)

  5. Pinky Says:

    Bonggang-bonggang fireworks naman ang mga yan! :lol: Paborito ko yung huling kuha… Napatulis-nguso tuloy si pamangkin – hahaha!

  6. jennyL Says:

    ay napakaganda ng mga firewroks ibat ibang kulay pa.. maganda ngang manood dyan nga lang ang layo namin…may kontest p anga ng fireworks ngayon Mayo di ba?

    Eto akin:
    http://jennys-corner.com/2008/05/lp-7-umaapoy_15.html
    http://jennysaidso.com/2008/05/litratong-pinoy-7-umaapoy.html

  7. Thess Says:

    ang ganda ng mga kuha mo, mamiweng!! Nakakatuwa ang mga bulilit talaga, napapa-palakpak pa ha ha!!

    hapi hot tersdei sa imo muah!

  8. Meeya Says:

    haha, pareho tayo ng rason kung bakit hindi nakapag-submit ng totoong umaapoy na entry. :D alam mo, naisip ko rin mag-post ng fireworks, kaya lang yung mga fireworks pics ko di tama ang mga exposure, mas maraming usok kesa ilaw, hahaha!

    great shots! mukhang enjoy na enjoy ang iyong pinakamamahal na audience ha :)

    MyMemes: LP Umaapoy
    MyFinds: LP Umaapoy

  9. teys Says:

    para sa kin para silang mga bulaklak sa langit. ang ganda!

    magandang huwebes!

  10. akathinitis Says:

    more fireworks! sana makanood ng pyro miski isa :)

    Happy Huwebes!

  11. sardonicnell Says:

    fireworks, i just love them. it’s too bad bawal na sya dito sa area namin every new years and july 4th. lovely photos, weng!

  12. dang Says:

    huwaw…bigla ko tuloy naalala ang mga fireworks kong kuha pero walang panama ito sa kuha mo sis..ang galing!!!mahusay! happy thursday!

  13. g_mirage Says:

    Nakakatuwa naman manood ng fireworks dito sa blog mo! Napakagandang pagkakuha! Maligayang LP!

  14. lino Says:

    magandang araw ng biyernes, pasensya na at late ako, hehehe…

  15. lids Says:

    pareho tayo! ang ganda talaga ng fireworks!
    magandang araw sa’yo!

  16. Willa Says:

    maganda talaga manood ng fireworks,lalo na kapag maraming kulay,aliw na aliw ang mga bata. :)

  17. Grey Says:

    ang ganda naman ng fireworks!!! laging masaya panoorin yan lalo na kasama ang pamilya! :) mabuhay LP! :)

  18. sardonicnell Says:

    sis weng, tag po kita hah. at your own convenience po, mwaaah :mrgreen:

    http://sardonicnell.wordpress.com/2008/05/16/psyching-thyself/

  19. Leap of Faith! Says:

    Weng, nice shots. Sobrang clear ng mga starbursts. I’m sure na stiff neck kayo no?

  20. Junnie Says:

    umaapoy – ako sa lagnat…

    i can imagine why they were all fascinated about the happening in the skies…akala ko apparition :)

  21. ces Says:

    ay mabuti ka pa at nakuhanan mo ng maganda ang fireworks kasi ako dko pa nagawa ito…sabado palang din dito:)

  22. iska Says:

    ang ganda ng kuha mo ng fireworks! na-miss ko tuloy ang beijing…

  23. Linnor Says:

    ang linaw ng mga kuha mo! Kitang kita ang makukulay na disenyo. :)

  24. peterahon Says:

    fireworks sa galing!

  25. Em Dy Says:

    Mahusay ang kuha mo. Hirap akong kumuha ng fireworks dahil sa camera shake. Dapat laging may tripod.

  26. iris Says:

    ang saya manood ng fireworks display :) i can’t wait till the next one at masasama ko na si Mia :)

  27. munchkinmommy Says:

    Salamat po sa lahat ng sumilip at nag-iwan ng comment sa aking lahok para sa LP noong nakaraang Huwebes! Kita-kita ulit bukas! :) Mabuhay!

Leave a Reply