Magandang araw ng Huwebes sa inyo! Ito ang aking lahok para sa linggong ito.
\
Noon pang Nobyembre ng nakaraang taon ng aking kunan ang mga larawang ito. Nasa Kim Phung kami, isang Vietnamese Restaurant. Hindi ko na matandaan ang dahilan kung bakit umiiyak at nalulungkot si Abby. Marahil ay napagalitan namin ng kaniyang ama.

Hay. Kahit nakakawala ng pasensya ang kakulitan ng ating mga anak, tayo man ay nalulungkot rin pag nakikita natin silang malungkot at umiiyak. Kahit pa may kinalaman tayo sa kanilang pag-iyak.
Mayroon pa akong isang LP DITO.

May 1, 2008 at 12:44 am |
[...] isa pa akong LP DITO. Bisitahin ang Litratong Pinoy at ang mga miyembro [...]
May 1, 2008 at 12:47 am |
ayy, tahan na abby, ang cute pa naman ng bahaghari sa iyong pisngi!
May 1, 2008 at 12:47 am |
Tunay yan kaibigan! Ako din ay dinadanas ko ang ganyan suliranin sa aking anak.
Magandang Huwebes!
http://edsnanquil.com/?p=673
May 1, 2008 at 1:31 am |
awww poor Abby, d bale d ka na nila dadalin sa vietnamese rest. na yan baka d mo gusto pagkain eh. (jokes lang po)..happy LP!
May 1, 2008 at 7:21 am |
Ganda ng contrast ng emotion with the rainbow on her cheek – how ma-drama, Mommy Weng!
Artistahin talaga itong inaanak ko – hehehe…
May 1, 2008 at 8:02 am |
Wag nang malumbay meron sorbetes sa bahay… Yan ang aking laging sinasabi sa mga chikiting pag nalulungkot… Ngunit kadalasan ay hindi na ito epektibo… Kaya hindi na sorbetes ang binibili ko, kung hindi balot at penoy…
May 1, 2008 at 9:03 am |
ang kanyang kalungkutan ay isang total contrast sa masayang rainbow sa kanyang pisngi.
ahem, uh, social services?
jk!
MyMemes: LP Malungkot
MyFinds: LP Malungkot
May 1, 2008 at 11:32 am |
tama ka… have a great day!
http://biancaelyse-mylife.blogspot.com/2008/04/lp-5-malungkot.html
May 2, 2008 at 12:47 am |
waah, nasa austin ka? yan ang hindi namin nabisitang lungsod sa texas…ang napuntahan namin ay fort worth, dallas, san antonio, houston at kemah.
pero doon kayo makakakita ng cowboys at rodeo sa fort worth! sa stockyards!
http://fairywinkle.blogspot.com/2008/04/i-left-my-heart-in-san-antonio.html
May 2, 2008 at 9:49 am |
Weng, mukhang matinding pagpapagalit ang ginawa niyo kay Abby. Sobrang lungkot niya. Kahit yung bahaghari hindi siya mapangiti.
May 2, 2008 at 11:28 am |
i agree, weng. minsan talaga eh ang kulit level ng mga bagets natin eh kakaiba. but at least eh nakikinig sa atin, dba? pls give abby a big hug for me. mwaaah
May 2, 2008 at 3:52 pm |
luv the face paint!
May 2, 2008 at 3:58 pm |
gusto ko un unang litrato ni abby.. para bang bigla na lang pumunta sa sulok at nagmaktol
wawa naman..
May 3, 2008 at 3:06 am |
haayyyy….I can relate with you regarding kakulitan because I know,regardless how super kulit sila, we still love them just the same
May 3, 2008 at 5:40 am |
naiyak na’t lahat, ang cute pa rin!!!
May 4, 2008 at 8:03 am |
kung ganito kaganda sa kalungkutan, paano pa kaya sa kasayahan…
malamang nalungkot at di kumpleto ang ROYGBIV colors ng rainbow niya