Mabuhay! Para sa linggong ito ng Litratong Pinoy, iniwasan ko ang muling mangalap ng mga bagay na pahaba mula sa palaruan ng aking anak na si Abby.
Ngunit dahil sa wala rin naman akong panahong lumabas at kumuha ng mga panibagong litrato, minabuti kong maghanap na lamang sa aking mga naipong mga litrato. Hindi naman ako nabigo.
Sa pamamagitan ng mga larawan, akin kayong dadalhin sa lungsod ng Dallas…
![]()
Mula sa Dallas Arboretum ay kinunan ko ng litrato ang Dallas skyline. Hindi ba’t nagtataasang mga hugis pahaba ang makikita? Tignan natin ng malapitan ang ilan sa mga ito.
![]()
JP Morgan Chase Tower (pinakamataas na gusali sa gitna ng larawan) – Ang mga arkitekto ng gusaling ito ay sina Skidmore, Owings & Merrill, mas kilala sa pinaigsing pangalang S-O-M. May taas na 55 palapag, ang JP Morgan Chase tower ay may mga kurbada at mga di pangkaraniwang angulo, at pinaka pansin sa mga ito ay ang butas sa gitna ng gusali. Ang butas sa gitna ng gusali ay may taas na 75 ft. na nagsisimula sa ika-44 na palapag at nagtatapos sa ika-49. Ang lapad ng butas na ito ay 27 ft.
![]()
Bank of America Plaza – Ito ay may taas na 72 palapag at nang matapos itayo noong taong 1985, ito’y hinirang bilang pinakamataas na gusali sa Dallas. Ang gusaling ito ay binubuo ng mga “silver reflective glass”. Sa gabi, ang outline ng Bank of America Plaza ay naiilawan ng mahigit dalawang milyang kulay berdeng ilaw at ito’y tanaw sa mga lugar na milya-milya ang layo mula sa gusali. Ang nagdisenyo ng gusaling ito ay ang JPJ Architects.
![]()
Comerica Bank Tower (dating kilala bilang Bank One Center) - Dinisenyo ni Philip Johnson at John Burgee, ang Comerica Bank Tower ay may taas na 60 palapag. Ito ay gawa sa granite at salamin. Kakaiba ang tuktok ng gusaling ito kumpara sa ibang gusali sa Downtown Dallas kaya naman ito’y madaling kilalanin.
![]()
Fountain Place – Ang mga arkitekto ng gusaling ito ay sina I.M. Pei and partners. Si I.M. Pei ang nagdisenyo ng pyramid sa gitna ng Louvre na matatagpuan sa Paris, France. Ang Fountain Place ay may taas na 60 palapag at mukhang nagniningning na glass prism, tunay na simbolo ng mataas na uri ng arkitektura. Kung titignan ang apat na mukha ng gusaling ito, mapapansing walang angulo o mukhang magkapareho. Tanyag ang gusaling ito sa buong mundo at nakatanggap ng parangal para sa kakaibang disenyo nito.
Hanggang dito na lamang ang aking “lecture”.
Hilig ko talaga ang kumuha ng litrato ng iba’t ibang mga gusali dala na rin ng kursong aking pinagtapusan, Arkitektura.
Salamat sa inyong pagdalaw at sa susunod na Huwebes muli.
DITO naman po ang mga pahaba sa Houston, Texas.
ps: Nais kong humingi ng paumanhin sa mga kasapi ng LP na nagsidalaw noong isang linggo at nag-iwan ng comment. Naging abala po ako simula noong nakaraang Huwebes kaya hindi ko po nasagot ang mga comments at hindi ko rin po naibalik ang inyong mga dalaw. Susubukan kong bumawi ngayong linggong ito.
Salamat po!
Tags: dallas

April 24, 2008 at 1:52 am |
wow! I would love to visit Dallas in the near future! love those photos!
April 24, 2008 at 2:00 am |
[...] Sana’y naibigan ninyo ang mga nilahok kong litrato para sa linggong ito. Mabuhay! Bisitahin ang mga pahaba sa Dallas DITO. [...]
April 24, 2008 at 2:06 am |
maganda ang lahok mo… salamat sa pagdala mo sa akin sa Dallas, naku exciting siguro ang makarating dyan.
April 24, 2008 at 2:46 am |
Ganda ng mga larawan mo, Weng. Ang mga istruktura ay tunay namna ding kamangha-mangha.
Magandang araw sa iyo.
April 24, 2008 at 3:04 am |
oy, nilakad ko lahat yan nung disyembre…ang lakad ko nga ay hugis parihaba rin…at inikot ko ang boong downtown dallas ng nakapaa…este nakasapatos
April 24, 2008 at 3:24 am |
Salamat sa pag tu-tour guide sa amin, Ms. Weng
Ang dami palang magagandang gusali dyan! Kayang kaya makipagsabayan sa mga gusali dito sa Europa =)
kisses po from Olandya
April 24, 2008 at 3:59 am |
hello,
care to exchange links?
April 24, 2008 at 5:44 am |
ganda nga ng mga photos, would love to visit dallas one day, too!
April 24, 2008 at 6:57 am |
pareho kayo ni mia ng entries hehehe. puro buildings!
April 24, 2008 at 7:35 am |
Napakaganda ng mga gusali, iba iba ang hugis nila! Maganda din yung black and white na effect!
Gandang araw sa yo!
April 24, 2008 at 7:38 am |
beautiful black and whites!
April 24, 2008 at 8:24 am |
aha buildings din, hahaha! uuyy lumalabas ang iyong inner-arkitekto
i’m sure habang binabagtas niyo ang kahabaan ng dallas at nakikita ang mga gusaling ito nagagalak ng husto ang iyong puso at mga mata.
great shots weng! and i like the monochrome treatment din.
maligayang huwebes!
April 24, 2008 at 10:11 am |
ang daming haba.. hehehe.. pero ang gaganda ng shots mo, i like the bw effect. have a great day!
http://biancaelyse-mylife.blogspot.com/2008/04/lp-4-hugis-ay-pahaba.html
April 24, 2008 at 12:01 pm |
mabuhay, munchkin mommy! salamat sa pagdalaw sa aking LP entry!
ang gaganda ng mga gusali sa dallas…nakakatuwa dahil napuntahan ko ang ciudad na ito kamakailan lang nang dumayo ako sa texas! nabighani ako sa fountain place! kagila-gilalas ang mga arkitekto ng gusaling ito!
April 24, 2008 at 2:17 pm |
Ang galing. Ang gagaling ng kuha mo. Sana makita ko rin ang mga yan.
April 24, 2008 at 4:03 pm |
Nakakatuwa tamang makita ang mga gusali iyan – iba’t ibang hugis ngunit lahat ay pahaba.
Salamat sa pagdalaw sa LP ko. Hanggang sa susunod na linggo!
April 24, 2008 at 4:51 pm |
ang gaganda ng mga gusaling yan…sana ay may pagkakataon rin akong makita sila
April 24, 2008 at 4:54 pm |
daming pahaba ah…
April 24, 2008 at 5:10 pm |
hi! dallas would definitely be one of my stops along with meeya’s NY if and when i finally come there
nice shots!
April 24, 2008 at 6:33 pm |
gusali rin ang una kong naisip na gamiting subject sa linggong ito… ngunit hindi ako nakahanap ng kasing-ganda ng sa iyo!
magandang araw sa’yo!
April 24, 2008 at 6:50 pm |
mga buildings! paborito ko ang unang larawan..ung malayo ang kuha..na para bang sinisilip ko lang sila
April 24, 2008 at 7:23 pm |
dahil sa LP nararating ko ang mga lugar na matatagalan pa bago ko mapuntahan nang personal. salamat sa pagbabahagi!!
April 24, 2008 at 8:35 pm |
napakagagandang litrato! salamat sa pagbisita sa site ko!
April 24, 2008 at 11:05 pm |
ang galing! sana makarating din ako sa mga gusaling iyan!
maligayang LP!
April 25, 2008 at 2:14 am |
Salamat sa tour! Ganda naman ng Dallas – sana makabisita din kami diyan – hehehe!
Siyempre, lumabas na naman pagka-arkitekto mo ha? Ayos sa komentaryo – at least may natutunan na naman akong bago…
Ingat!
April 25, 2008 at 5:02 am |
ang gaganda naman ng kuha mo munchkin mommy! mga nagtataasang gusali! simbolo ng maunlad na siyudad ah! maligayang LP!
April 26, 2008 at 4:54 am |
Weng, ang ganda. My favorite is the first photo… yung skyline shot with tree trunk on the foreground… pro na pro ang dating. Gusto ko rin yung effect ng B&W. Like Pinky, sana makita rin namin yan in the near future.
April 27, 2008 at 12:26 am |
hello weng, lovely photos. grabe, ang ganda! mukhang may susunod ka ng bisita – AKO! after kong makita ang mga photos mo eh parang gusto ko ng liparan ang texas. hehehe