LP #3: Apat na Kanto

By munchkinmommy

Noong aking pagkabata’y ayaw; Patatawag sa WENG na palayaw

Kadalasan kasi sa pagsambit; Dalawang beses pang inuulit

WENG lang nama’y puwede na; Bakit kailangang WENG-WENG pa?

Wala naman talagang kaso; Ngunit sa murang isipan ko

Lubhang di mapigilan; Maisip artistang kapangalan

Sumikat (noong) dekada sitenta; Taas ay  tatlong pu’t tatlong pulgada

Pagganap bilang “Secret Agent Double O”; Nagpasikat sa’king katukayo

Walang dahilang ikahiya;  Ang ipagmalaki nga siya’y mas tama

Sa Guinness Book of World Records nakalista; Pinakamaliit siyang lalaking bida

Sa gulang na labing-dalawa; Ako sa wakas pumayag na

Tawaging WENG puwede na; Di na kailangan pang Rowena

Hiling ko lang ay pakatatandaan; Isang WENG lang, ‘wag nang dagdagan

Sa pagsunod sa’king kahilingan; Tayo’y magiging magkaibigan.

Ngunit kung ayaw mo…puwes galit na tayo. :P

 Maligayang Huwebes sa iyo! ;)

w-e-n-g

mga higanteng dice ang nasa likod ng pulseras

ps: Ako’y may isa pang lahok DITO.  Wala ng tula…pangako!  :D

34 Responses to “LP #3: Apat na Kanto”

  1. sardonicnell Says:

    i remember a bracelet similar to this, give to me by a friend from pinas. wonder where that it is? hehehe. i like the pastel colors on this bracelet, it’s very pretty ;)

  2. Em Dy Says:

    Naaalala ko pa si Weng Weng. Di ba hilig nyang magsuot ng white na Amerikana?

  3. lids Says:

    ang cute naman ng mga parisukat mo!
    magandang huwebes sa’yo!

  4. Julie Says:

    Ganyan ang ginagawa ng panganay kong anak. Maganda ang iyong larawan, Weng.

    Maligayang araw ng Huwebes sa iyo :)

  5. Ambo Says:

    Nice photo. Galing reflection at ang ganda ng macro. Haylabet!

    Mabuhay ka kaibigan!

    Ambo
    ambothology.com
    pinoyambisyoso.com
    pinoytek.net

  6. Pinky Says:

    Na-tense ako, kala ko may picture ka ni Weng-Weng sa hulihan ng tula mo – hahaha! :lol:

    Ganda ng bracelet pero parang baligtad na “M” ang “W” na ginamit… tama ba? ;)

  7. iRonnie Says:

    ang galing mo naman tumula. nakaka aliw. happy huwebes! :D

  8. MARU Says:

    hahaha! ang galing! sa larawan pa lang ulam na. tapos may kasama pang tula. magaling!

  9. ces Says:

    hahaha! kilala ko yun si wengweng! buhay pa ba sha? at tunay na maganda ang kuha ng iyong mga kwaradong pulseras! magaling!

  10. Arvin Says:

    Hehehe:D May ganyan din ako dati, hehe.

  11. feng Says:

    nakakatuwa ang lahok mong ito WengWeng. joke! malapit na akong maghinala na talagang kamag-anak mo si Francisco Balagtas. haha!

    ako rin ganyan. kung maari lang, isang beses lang banggitin ang palayaw ko. Feng na lang. at baka pag dinoble, maiba pa ang kahulugan. heehee!

  12. mousey Says:

    ang galing ng akda mo para sa temang kanto.

    ang kyut ng porselas mo.

  13. Meeya Says:

    omg, ang effort! hahaha! ang galing mo namang makata weng! naging napaka-makahulugan ng iyong lahok. :) at syempre kaaya-aya ang litrato ng iyong pulseras. nice shot! :)

    ps. pero sang-ayon ako kay pinky…datapwa’t binaligtad na M yata ang W, hehe.

    MyMemes: LP Parisukat
    MyFinds: LP Parisukat

  14. akathinitis Says:

    Natuwa naman ako sa entry mo! Hindi ko maalala kung sino si Weng Weng pero naintindihan ko kung naiinis ka kung niloloko ang pangalan mo =). Haha. Ang kabataan nga naman.

  15. abs Says:

    hehee, nakakatuwa ang tula! ako naman, kumbinsido nang ninuno mo si Balagtas! :P

  16. alpha Says:

    kyut ito :D

  17. jeanny Says:

    hehehehe…aliw naman tong entry mo. super cute…wena ba pwede na????

  18. odette Says:

    nakakatuwa naman! di ko mapigilan ang mapangiti sa iyong tula weng!

  19. Dragon Lady Says:

    nakakaaliw naman ang iyong larawan at syempre pa ang iyong akda! aayyy, naalala ko nga si weng-weng. :D

    maligayang LP sa iyo, munchkin mommy weng!

  20. nina Says:

    wow. makata ka! Maganda ang litrato mo ;)

  21. Thesserie Says:

    pssst tita wengweng! he he bati tayo muah muah! at least ikaw kapangalan mo lang sya, ako nga, doblehin mo ng bigkas ang ‘thess’…o kitam?!

  22. Leap of Faith! Says:

    Weng, I like… ganda…nakakatuwa… wala naman ikaw kapareho kay Agent 00 kungdi ang pangalan at kasikatan… naks!

    http://leapsphotoalbum.wordpress.com
    http://chinois97.wordpress.com

  23. Floor Management « Munchkin Mommy Says:

    [...] This, by the way, is not my “Apat na Kanto” entry for Litratong Pinoy.  Hee [...]

  24. ris Says:

    hehe ayos yang subject mo ah. naaalala ko may 2 ganyan ako nung HS! :)

  25. marie Says:

    ay ang ganda!

  26. kaje Says:

    ang ganda ng kuha, yung composition, galeng :)

  27. Girlie Says:

    ang ganda ng pagkakakuha ng litrato!

  28. Grey Says:

    ang ganda nun mga personalized na accessories tulad nyan. :) hanggang sa susunod na huwebes!

  29. g_mirage Says:

    Kakaiba ang iyong lahok para sa temang parisukat! Magandang makro ito! Sa susunod uli!

  30. adinille Says:

    Weng. natuwa ako sa akda mo. Bakit nga ba kelangan pahabain pa at gawing Weng-weng? Weng na lang. Nakakalasing ang Weng-Weng di ba? :)

  31. Buge Says:

    Hi Weng! Nakakatuwa naman ang kwento mo tungkol sa iyong pangalan! Oo nga naman dapat isang Weng na lang. :)

    http://www.bu-ge.com/2008/04/litratong-pinoy-apat-na-kanto.html

  32. Linnor Says:

    Likas sa Pinoy ang inuulit ang pangalan… Bing-bing, Bong-bong, Tata, Tetet, etc… Tatandaan ko na Weng lang ang dapat itawag sayo :D

    Ang galing ng akda at ang kyut ng charm bracelet na yan.

  33. Lizeth Says:

    ang cute weng!!! :)

  34. teys Says:

    natawa ako sa iyong akda, hayaan mo’t tatandaan ko isang beses lang ang pagbigkas :)

    mabuhay ka Weng
    mabuhay ka Weng LOL

    maligayang LP!

Leave a Reply