LP #2: Tatsulok

By munchkinmommy

Mabuhay!  Huwebes na naman.  Ito ang aking lahok para sa Litratong Pinoy ngayong linggong ito.

Ang aking sarili’y di na pinahirapan pa

sa paghahanap ng tatsulok, para sa Litratong Pinoy na tema.

Mga laruan ni Abby’ay aking agarang sinadya.

At sa aking paghinto, sa may laruang kusina

Laking tuwa ko agad sa aking nakita…

pizza

Gusto mo ba ng pizza? Ayan nga’t kulang na ng isa! 

Talaga nga namang sa hirap nga ng buhay,

Pati plastic na merienda’y pinatulan na!

isang hiwa ng pizza

Ang pizza.  Nyahahaha! :P

May isa pa akong entry dito. Inyo akong samahan at nang tayo’y makapagpanghimagas. ;)

26 Responses to “LP #2: Tatsulok”

  1. Mapped Memories » Blog Archive » LP #2: Tatsulok (Triangle) Says:

    [...] mo na ba ang isa ko pang lahok?  Kung hindi pa’y tayo na dito at nang [...]

  2. Buge Says:

    Natuwa naman ako sa sinulat mo tungkol sa tatsulok na yan! Sino kaya ang kumain? Haha! :)

    Hi Buge! Salamat sa pagdalaw! Ewan ko ba kung san napunta ang pizzang yun. Tagal ko nang hinahanap. Sayang kasi at ang cute pa naman nung laruan! Hee hee!:)

  3. alpha Says:

    ang saya naman ng entry mo :D at may tula pa talaga ha.

    Hi Alpha! Nakakatuwa ang LP dahil nagagawang mapalabas ang aking “inner Balagtas”. Hahaha! :) Salamat sa pagbisita!

  4. Leap of Faith! Says:

    Weng, bagamat hindi totoo ako pa rin ay nagutom. Buti na lang at may laruan si Abby. Ako nahirapan maghanap ng tatsulok sa aming bahay.

    Hi Keith! Marami akong nakitang tatsulok sa mga laruan ni Abby. Hindi ko na lang isinama ang iba. Hahaha! Magandang source ang play area ni Abby ng mga subjects para sa LP. ;)

  5. Em Dy Says:

    Ako din, nagutom maski na plastic. Ha ha ha.

    Hi Em! Hahaha, sori kung nagutom ka! Hahaha! :) Ang kyut, diba? Kumpleto pa yan may pizza slicer ding kasama. ;)

  6. Fickle Minded Says:

    waahhh!!! i almost want to do the same thing, kaso wala naman ako ganyan toys, kaya i have to eat pizza pa,which is hindi ko naman hilig,kaya iba na lang naging entry ko. :)

    Hi FM! Hahaha, natuwa naman ako sa pagpapaliwanag mo. Hee hee! Bakit ka nga naman bibili pa ng pizza kung hindi mo naman gusto?! Buti nga me laruang pizza ang anak ko. Kung nagkataon, mapapagastos pa ako para magkaentry. ;) Hanggang sa susunod na Huwebes! :)

  7. ZJ Says:

    Sarap ng pizza – at may kasama pang tula!

    Hi ZJ! Nahihiya nga akong gumawa ng tula. Kaso para akong na-possess. Yan ang nagagawa ng LP. Kakaiba talaga! Nyahahaha!

  8. kaje Says:

    pizza din ang entry ko!! katuwa naman yang laruan na yan, parang tunay :)

    Hi Kaje! Naisip ko nga rin na marami-rami sigurong magpapakita ng pizza at toblerone. Naiba naman kahit paano ang pizza ko dahil plastic! Hahaha! ;)

  9. Pinky Says:

    Gusto ko sanang makikagat pero baka masira ang ngipin ko – hahaha! :D Parang sarap tuloy mag-pizza mamaya…

    Hi Pinks! Ay naku, huwag mo nang kagatin! Hahaha! Inaawat ko nga si Abby pag kinakagat. Sinasabi ko pretend kagat lang. :D Natuloy ba kayo mag-pizza? :) Hee hee!

  10. bluep Says:

    kakasabi ko palang sa entrada sa LP na yung bilog na upuan ay mukhang Pizza pie na paborito kong lamunin at eto Inay M nagentrada ka nga ng Petsa Pay. Sa susunod yung tunay naman hehe. gayun pa man, kahit pa laruan yan ay naglalaway na naman ako sapagkat hapunan na dito hehe. Magandang huwebes sayo kaibigan.

    Mabuhay BlueP! Malamang ay gutom ka nang magsimula kang mag-bloghop kaya pati ang upuan sa website nang LP ay nakapagpaisip sa iyo ng Pizza. Hahaha! Kadalasan, ang mga larawan ng pagkain ay doon ko na dinadala sa food blog ko. ;) Dun, makailang pizza nan rin yata ang naipakita ko. Pero kung pupunta ka dun, naku, binabalaan na kita. Baka ka magutom! Hahaha! :P Happy weekend, BlueP! :)

  11. Meeya Says:

    weng, anuveh, hahaha! alam mo ba, dapat kasama sa chibog tatsulok ko ang pizza! bumili pa nga ako ng instant pizza sa grocery at lulutuin ko sana, kaya lang tinamad ako, haha!

    wavelength, i tell you! :D

    Hi Meeya! Nanlaki nga mata ko nung makita ko ang chibog tatsulok mo dahil yun din ang mga nasa isip ko. At least, dahil di ko nabuksan ang Doritos, me tatsulok chibog pa ako para mamaya. Hahaha! Parehong-pareho ang channel natin, Meeya! Hahaha! Nakakakilabot, diba?! :D

  12. julie Says:

    Teka, nahuli mo ba kung sino ang kumain ng isang hiwa ng picha pie?

    Kakatawa ang iyong akda, Weng :)

    Hi Julie! Hindi ko nahuli! Hahaha! Sobrang magkaiba nga ang entry natin eh. Hee hee! O, photo hunt naman sa Sabado! Hindi ako nakasali nung isang linggo. :D

  13. Dragon Lady Says:

    haha, isa sa mga paborito kong pagkain ang pizza (medyo obvious po ba dun sa ‘bilog’ entry ko?)! :D

    ang galing naman nang mga kuha mo at may kasama pang tula. mabuhay ka, kapatid!

    maaari mo na rin pong bisitahin ang aking lahok ~ http://jacababes.blogspot.com/2008/04/lp-2-tatlo-ang-sulok-ko.html hmm… nobela naman po ang kasama nang aking mga litrato! hehehe.

    Hi Dragon Lady! Dito sa kinalalagyan namang bansa e naku, patay na patay ang mga tao sa pizza. Kaya naman ang mga pizza places dito nagpapagandahan ng promo sa pizza nila. Natutuwa ako at nagustuhan mo ang aking mga larawan. :) Salamat sa pagdalaw. Sa susunod na Huwebes ulit! :D

  14. Thess Says:

    Tita wenggaie, lanya, mabubungal ako pag kinagat ko pitsa pay ni Abby! ha ha ha! ayusshoepatus ka talaga!

    Hi Thess! Hayaan mo na, malapit ka na namang magpunta sa dentis, diba? Hahaha! :P Happy weekend! :)

  15. Joy Says:

    ang galing mo naman – may tula pang kasama. Salamat sa pagbisita ha… sa susunod na Huwebes ulit!

    Hi Joy! Salamat! Hahaha! Hanggang ganyang mga tula lang naman ako. Hindi mo ako maasahan sa mga makabagbag damdaming mga tula. Hahaha. Sige, sa susunod na Huwebes ulit! :)

  16. Grey Says:

    Munchkin Mommy laro tau! Hehehe.. Ang kyut naman nyan pizza mo! Masarap ba yan? Patikim nga! :) Peyborit ko un mga laruan na ganyan nun bata ako! :) Magandang Huwebes!

    Hi Grey! Mahilig din ako sa mga ganitong laruan noong bata ako! Kaya lang di hamak na mas malayo na ang narating ng mga laruang pambahay-bahayan ngayon! :) Pati magulang talagang mawiwiling makipaglaro sa mga anak nila. Happy weekend sa ‘yo! :D

  17. sardonic nell Says:

    abby’s toys sure did came in handy hah, weng. at teka, sinong kumain nong isang pizza slice? heheheh ;)

    Hi Nell! Pilit ko ngang tinatanong si Abby kung saan na napunta yung isa pang pizza. Mahahanap ko din yun sa paglilinis ko this weekend. Me mga bisita kasi kami sa isang linggo. Kailangan nang magsimulang maglinis-linis. Hahaha! :D

  18. abby Says:

    ang cute naman, tas may lababo pa sa background. nung bata ako pangarap ko magkaron ng mga laruan na makatotohanan tulad nyan, kaya hanggang sa paglaki ko, aliw na aliw pa rin ako tumingin ng mga pangbahay-bahayan sa toys ‘r’ us. :D

    Hi Abby! Sa Toy Kingdom namin ‘to binili. Tuwa din ako at mas mura pa kesa sa mga sikat na brands. Me sound epek pa ang gripo, oven at stove! Kakaloka talaga! Nung bata tayo, di pa masyadong uso ang ganito. Mga maliliit na 2-burner stoves lang ata ang meron noon! Hahaha!
    Suwerte si Abby at naiintindihan ko ang mga gustong laruan ng mga batang babae. Nyahahaha! :D

  19. Dyes Says:

    kakatuwa naman ang mga titik mo sa iyong litrato :)

    Hi Dyes! Ako’y natutuwa at ika’y natuwa. Hahaha! Salamat! :)

  20. She Says:

    Naaliw ako sa tula! Hehehe… Kami man meron laruang pizza dito sa bahay di ko naisip hehe

    Salamat sa pagdalaw sa aking blog :)

    Hi She! Ang laruang pizzang ito ay nakuha namin sa Power Station o sa Tom’s World. Hindi ko matandaan pero isa sa mga lugar na ‘yun. :) Nakakaaliw kasi kumpleto, me panghiwa at pangsandok ng pizza at mga plato, tinidor at kutsilyo pa. :) Sa susunod na Huwebes muli!

  21. Lizeth Says:

    katuwa!! hindi pala totoo! Lol!

    pizzang-pizza na ko e :)

    ang cute! :D

    Hi Lizeth! Iyan ang pizzang hindi nakakataba. Hahaha! :) Salamat sa pagparito. ;)

  22. Gracie Says:

    aba, magaling ka palang lumikha ng tula…teka, sino ang kumain ng pizza? hehe! :D

    Hi Gracie! Hanggang mga ganyang tula lang ako. Hahaha! :P Hindi ko pa rin alam kung sino ang kumain ng pizza! :D

  23. iRonnie Says:

    hang cute! :D

    Hi Ironnie! Salamat! :D

  24. Girlie Says:

    meron din ganung laruan ang mga anak ko nung araw, parang naipamigay ko na yata, laki na ng mga anak ko eh

    Hi Girlie! Natawa naman ako sa mga salitang “nung araw”. Hahaha! Hindi halata sa iyong itsura na malalaki na ang mga anak mo. Kaya naman bukas na bukas, irerevive ko na ang pagbebelly dancing ko. Hahaha! *cross fingers* ;)

  25. something purple Says:

    katakam naman nito heheh! namiss ko tuloy kabataan ko LOL!

    i tagged you: http://www.mysomethingpurple.com/2008/04/20-meme.html

    Hi Em! Katuwa ang mga toys ngayon, ano? Thanks for the tag! I took note of it already. :)

  26. ris Says:

    hehe meron bang thin crust? :)

    Hi Ris! Naku, walang thin crust, eh. Maghahanap ako! Hahaha! :)

Leave a Reply